Tama na muna.
bilang isang estudyante, normal naman ang magpuyat, ang mga pumapasok ng walang tulog, yung tipong mukha ng may black eye dahil sa eyebag, at isa ako dun. isang linggo na akong walang tulog, kung meron man, hindi sapat. mahina ang resistensiya ko, alam ko yun at hindi ko ginusto yun.. kaya ko naman eh.. pero ang hindi ko kaya ay kapag nagsabay sabay na silang umatake, physically, emotionally and mentally. kailangan ko ng magrecharge. kanina lang, pakiramdam ko napaka helpless ko. naglalakad akong tumutulo ang luha ko. nakakahiya.. parang gusto ko na lang tumigil muna ang oras kahit dun lang sa mga sandaling iyon.
Tama na. Konti na lang. Makukuha ko din ang Isang araw na gusto ko.