Tama na muna.

Posted in just for today... on February 8, 2008 by mishjacq23

bilang isang estudyante, normal naman ang magpuyat, ang mga pumapasok ng walang tulog, yung tipong mukha ng may black eye dahil sa eyebag, at isa ako dun. isang linggo na akong walang tulog, kung meron man, hindi sapat. mahina ang resistensiya ko, alam ko yun at hindi ko ginusto yun.. kaya ko naman eh.. pero ang hindi ko kaya ay kapag nagsabay sabay na silang umatake, physically, emotionally and mentally. kailangan ko ng magrecharge. kanina lang, pakiramdam ko napaka helpless ko. naglalakad akong tumutulo ang luha ko. nakakahiya.. parang gusto ko na lang tumigil muna ang oras kahit dun lang sa mga sandaling iyon.

Tama na. Konti na lang. Makukuha ko din ang Isang araw na gusto ko.

Isang araw

Posted in just for today... on February 8, 2008 by mishjacq23

STRESS na ako.. sobra.. gusto ko ng isang araw na wala na lang akong iisipin.. isang araw na parang bata na lang ulit ako na wala akong iintindihin.. parang baby na walang kailangang problemahin.. kahit isang araw lang.. isang araw na masaya, makulay, isang araw na makakalimutan ko ang lahat. isang araw lang naman.. sa isang magandang lugar.. kahit isang araw lang.. mapagbigyan naman sana ako.

what Jacque means.

Posted in everyday surprises on January 31, 2008 by mishjacq23

You are fair, honest, and logical. You are a natural leader, and people respect you.
You never give up, and you will succeed… even if it takes you a hundred tries.
You are rational enough to see every part of a problem. You are great at giving other people advice.
You are usually the best at everything … you strive for perfection.
You are confident, authoritative, and aggressive.
You have the classic “Type A” personality.

You are very open. You communicate well, and you connect with other people easily.
You are a naturally creative person. Ideas just flow from your mind.
A true chameleon, you are many things at different points in your life. You are very adaptable.

People see you as a complete enigma, and only you truly understand who you are.
You spend most of your time introspecting and seeking truth.
You’re a very interesting person… but not many people know you enough to realize it.

You are a very lucky person. Things just always seem to go your way.
And because you’re so lucky, you don’t really have a lot of worries. You just hope for the best in life.
You’re sometimes a little guilty of being greedy. Spread your luck around a little to people who need it.

You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone.
You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together.
At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.

You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.
You are light hearted and accepting. You don’t get worked up easily.
Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is.

You tend to be pretty tightly wound. It’s easy to get you excited… which can be a good or bad thing.
You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don’t stick with any one thing for very long.
You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.

You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.
You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.
You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.

Wow! I’m so surprised.. this is ME!

I Hate This Feelin’

Posted in just for today... on January 27, 2008 by mishjacq23

drowning. depressing. looking for something possible but seems impossible to have.

The Oinky year that was.

Posted in everyday surprises on December 31, 2007 by mishjacq23

The feng Shui of year 2007 for me was not good. It has predictions like I’ll be having some accidents or be engaged in incidents that would bring danger to my life; indeed, it was true when I almost got killed when a bastard broke into my room and ransacked my things and even threatened me with a knife. luckily I survived that incident only with a little cut on my finger. too unfortunate for the year 2007? nah.. not really. .

that was the only incident that made this year a little bit unlucky for me, still, I consider myself fortunate because I’m still breathing and very alive.

Mr. Oinky did also blessed me in so many ways which I will never forget. first, I had my OJT in Florida and even saw my sister whom I didn’t see for almost six years, earned some money, bought myself a laptop and some other things, visited different places and learned a lot.

second, I was elected, though I did not won by votes but due to technicalities, I was given a slot in the University Student Council with the position of an Auditor. I was given the chance to serve the students but for some reasons, I resigned. But, I’m still in service for my fellow students by staying in the Student Publications Office as the Associate Editor for the yearbook.

Last, but definitely the most memorable and the most important for me, I consider myself very blessed for this is the year when I finally engaged into something that is bound to last for a lifetime. Year 2007 when Mr. Oinky turned into a cupid and had me fell head over heels to my future hubby. This is the year when my status had changed from “single” into “in a relationship”. I couldn’t be any happier, life and this year has given me so much to be thankful for and just by having Dustin around, loving me, I couldn’t ask for more.

this oinky year, he had made unusual sounds for me, splat some mud and water on my directions but eventually all of those muddles were cleaned when blessings outshine its shrieks and yells, and made my year glow like those flowers in the sky most especially when a hand is now here to hold me through thick and thin.

thanks Mr. Oinky and now may I welcome Mr. rat, and yes, I’ll be saving some cheese for you so please save some luck for me too.. ;p

Pabili ng islipirin.

Posted in just for today... on December 9, 2007 by mishjacq23

walang kwenta ang post na ito. sabagay, wala din namang babasa, kasi nga walang kwenta. eniwei, saan kayang botika makakabili o sinong duktor kaya ang makakapagreseta ng gamot na magbibigay ng mahimbing na tulog kahit isang araw man lang. hindi sleeping pills ang tinutukoy ko, magiging dependent ka lang dun eh.. gusto ko yung tipong paghiga mo, pagpikit mo, nasa dreamland ka na.. mas maigi pa kung walang dreams eh para di aktibo ang utak. nitong mga nakaraang buwan kasi, nilalayuan ata ako ng tulog, kung ihehele man ako, para namang kuwago ang utak ko na gising na gising sa mga oras na dapat ay nagpapahinga na siya, minsan tuloy naiisip ko, hindi kaya ipinaglihi ako sa kwago pero hindi naman malaki ang mata ko, medyo singkit pa ngang maituturing, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mas nagwowork-out na para bang nasa gym ang mga makinarya, ugat o kung anu pa mang nasa utak ko sa oras na dapat ang lahat ay nasa mundo na ng imahinasyon. minsan tuloy naiisip ko na sa oras na magkatrabaho ako, bagay siguro sa akin ang night shift o graveyard shift ng magamit ko na ng tuluyan ang gumagana kong utak, siguro mamahalin ako ng mga call center. sa kabilang banda, nagpapasalamat naman din ako na kahit naman papaano ay nabiyayaan ako ng utak na may silbi at naturuan naman din ako na gamitin ito sa maayos na paraan, hindi ko lang talaga maiwasan minsan na mainis dahil sa sakit ng ulo na binibigay nito dagdag mo pa ang maleta, oo maleta na dala dala ng mata ko,’eyemaleta o eye luggage‘ kung tawagin ko. di na kasi ata akma ang eyebag, pwede ding ‘raccoon eyes or panda mode’, mga pauso ko patungkol sa dark circles sa ilalim ng mata ko dahil sa hindi ko mahanap ang tulog na pinagtataguan ako. makakuha lang talaga ako ng tiyempo, susubukan kong matulog ng 24 oras, isang buong araw kong susubukang namnamin ang malambot na higaan at yayakapin ang mga unan at pipiliting suyuin ang tulog na parang sa akin ay nagtampo na.

Gamot na hindi lunas.

Posted in just for today... on December 9, 2007 by mishjacq23

Bawat tahanan siguro sa mundong ito ay kakikitaan ng gamot sa kani-kanilang bahay, kung hindi man madami ay mayroon pa ring mangilan ngilan para sa mabilisang lunas sa anumang karamdaman. Mahalaga ang gamot, alam nating lahat iyan, kadalasan yan ang nagiging susi upang mas humaba pa ang buhay na ipinahiram sa atin. Bawat gamot ay may kani-kaniyang gamit, me sariling ‘expertise’ kumbaga. Pero para sa akin, marami sa gamot na ito ang walang lunas. magulo ba?

gamot na hindi lunas. imbento ko lamang ang salitang iyan sa kadahilanang kaya nga nito magpagaling ngunit ang halaga naman nito ay hindi abot ng nakararami kaya’t malaki man ang silbi niya, wala pa ring lunas na maibibigay ito sa nangangailangan sa kaniya.

Hindi maipagkakaila na sa ating bansa, mas marami ang hindi nabiyayaan ng masaganang pamumuhay, mga taong masuwerte na kung makakakain sa loob ng 3 araw at lalo na kung may kuryente sa tahanan, at dahil nga nasasadlak sa ganitong kalagayan, sila rin ang mas madalas tamaan ng sakit na nangangailangan ng serbisyo ng mga gamot na hindi lunas. bubuhayin lamang ba ng mga gamot na ito ang mga mayayamang nagpapayaman pa? sila na lang ba ang may karapatang pahabain pa ang pisi ng buhay? lahat naman tayo ay mga tao, lahat tayo ay magtatapos sa pagiging abo, sa huli lahat ay magiging pantay-pantay, bakit hindi pwedeng habang nabubuhay ay maging pantay man lamang kahit sa ilang mga bagay?

tanggap ko na ang buhay ay hindi patas. tama sila, paano mo malalaman ang sarap kung hindi ka naghirap at pano mo malalaman ang hirap kung hindi mo naranasan ang sarap ng buhay, buti sana kung ganoon talaga ang takbo ng gulong ng buhay, kaya lang hindi. madalas, para bang nawawalan ng hangin ang gulong at tumitigil na ito sa pag-ikot kaya’t ang mga nasa ilalim ay nawawalan na ng pag-asang pumaibabaw pa. sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasan maisip kung bakit lahat ng bagay ay mas pumapanig sa mas nakaririwasa, sila na nga ang mas nabiyayaan, sila pa ang mas binibigyan prayoridad, hindi ba dapat baliktad? hindi ba dapat mas bigyan pansin ang mga taong nakatapak na sa putikan upang maiahon man lang? maski man lamang sa pagbibigay ng mga gamot para mas mapahaba ang buhay na kanilang hiniram, yun lang ay malaking bagay na. sana naman ay wag ng dumami ang bilang ng mga gamot na walang lunas, sana’y ang halaga nito ay maging halaga rin ng mga taong umaasam dito.

gusto kong magbasa.

Posted in just for today... on December 9, 2007 by mishjacq23

‘maging palabasa ka at marami kang malalaman’.

Yan ang madalas kong marinig mula sa aking guro nung sekondarya. Alam kong tama siya, hindi ko ipagkakaila na bata pa lamang ako ay nahihilig na ako sa pagbabasa ngunit napagkakaitan lamang ng mga librong dapat na basahin. ang mga ate at kuya ko kasi ay hindi mahilig sa gawaing ganito kaya wala akong babasahin na mahiram mula sa kanila, wala pa rin naman akong kakayahan na bumili ng mga libro na ginugusto ko nung mga panahong iyon. Unti-unting namatay ang pagkahilig ko dito dahil wala naman akong ibang mabasa kundi ang mga textbook ko. Pagpasok ko sa unang taon sa sekondarya, doon ko naisip na ipunin ang baon ko at bumili ng mga libro na ginugusto ko, nais kong buhayin muli sa aking pagkatao ang lumabong liwanag ng pagkahilig ko sa isang makabuluhang gawain. Hindi naman ako nabigo, nakabili ako ng libro at ang unang libro na nabili ko mula sa mga naipon kong baon ay ang ‘abnkkbsnplako’ ni Bob Ong. Naaliw ako sa aklat na yun, maganda ang pagkakagawa at ang nilalaman, lalo nitong pinaigting ang pagkahilig ko sa pagbabasa at lalo akong ginanahan na mangolekta ng libro. Nakumpleto ko ang mga aklat ni Bob Ong at marami pa kong mga aklat na nabasa, masaya ako dahil hindi ako nakukulong sa mga kaalamang sa apat na sulok lamang ng paaralan nakukuha, nakakalabas ako sa mundong dinidikta lamang ng mga textbook na binibili sa paaralan dahil kailangan ito.

pagtuntong ko sa kolehiyo ay mas nahilig ako sa pagbabasa lalo na sa mga self-help books, ilan dito ay ang ‘don’t sweat the small stuff series, chicken soup for teenage soul, at purpose driven’. marami akong natutunan sa mga librong iyon na nakapagpalawak ng pagtingin ko sa buhay at realidad, hinubog nito ang pagkatao ko sa maraming aspeto lalo na sa pagharap sa mga pagsubok na ibinabato sa atin ng mundo. kung paano ako pinatatag ng mga librong iyon ay ganun naman ang lungkot ko ng muli na namang bumagal ang takbo ng munti kong aklatan dahil sa kakulangan sa oras. naging bahagi ako ng organisasyon na kumakain ng maraming panahon kaya’t naiwan akong naaalikabukan ang aklatang aking binuo. Marami na akong mga librong hindi nabili at hindi pa nabibili, hindi ko na nadalaw ang aklatang aking binuo hanggang sa..

sa isang araw, sa ika-apat na taon ko sa kolehiyo ng marinig kong muli ang mga katagang iyon sa aking guro mula sa asignaturang nagluluklok sa ating pambansang bayani sa mataas na karangalan at maaari rin namang kabaligtaran. muli akong nabuhayan ng marinig ko sa kaniya ng katagang “maging palabasa” naisip kong hindi pa naman huli ang lahat, maaari pa akong magsimulang muli, linisin ang aking munting aklatan, punasan ang mga alikabok at muling bisitahin ang mga pahinang minsan ng nalimot.

marami pa akong mga ninanais na mabasa, kabilang dito ang ‘Tuesdays with Morrie, eleven minutes, mga aklat ni Paulo Coelho, at ang pinakabago ay ang mga gawa ng kagalang-galang na si Rene Villanueva’.

ang huling awtor na aking nabanggit ay paborito ng aking kabiyak, salamat sa kaniya at ipinakilala niya ako sa isang magaling na manunulat na alam kong mas kapupulutan ko pa ng mga aral.

gusto kong magbasa. gusto kong palaguin ang aking sariling gawang aklatan. pag-iipunan kong muli ang mga aklat na ito at sana’y may tumulong din sakin para palaguin ang maituturing kong bisyo na mayroon ako.

 

Marching to the Unknown

Posted in just for today... on December 6, 2007 by mishjacq23

One more semester and I’ll be included in the list of young individuals set to roam the street armed with folders with crossed fingers hoping to find their luck in finding a job. as early as now, fear consumes me as I’m wondering if I’ll be able to have a job. It’s easy to find a job if you can settle to just any kind of work whether it is related to your degree or not, I’m not choosy but of course I would prefer to be in the industry that my degree is stating, the hospitality industry.

What really scares me is the thought that if ever I’ll be fortunate enough to work in the hotel or in a restaurant, I can’t have the liberty of my own time. questions of “what-ifs” are flooding my mind and the thing that scares me the most is what if my schedule and my hubby’s (dustin) schedule did not meet? what if we can’t see each other that often? I’m seriously scared….

I don’t know what will happen next, I don’t even know the answers to those what ifs but what I do know is that no matter how busy I am, even if we can’t see each other for months, I know my heart will speak of no one but him.

Not so ordinary Tuesday

Posted in everyday surprises on December 5, 2007 by mishjacq23

I never imagined that I will consider Tuesday as something extra ordinary not until yesterday, December 04, 2007 when a surprise made my day.

“ada, namimiss ko talaga si dustin”. I said this during our Spanish class to my deary friend ada, and felt a little twinge cause I know I have to wait until Saturday to see him again. after class, my bestfriend and I went to the Student Council to check some things on the upcoming cheering competition. After some short exchange of conversations, we decided to go home. On our way down since the SC office is in the 4th floor of the CET bldg, I was startled to see a guy in pink who’s supposed to be working at Ortigas in that hour. I stopped for a while to check if i’m just imagining things or I’m really in the real world, and YES! everything’s real, he’s right in front of me.. I was in a state of bliss in that moment. I immediately took his hand and held it. I loved that feeling.. the warmth of his touch that never failed to comfort me.

 I know he’s tired but he still accompanied me to Popoy’s to celebrate the birthday of my dear friend who happens to be his friend too. I really appreciated that act, that he has an option to head home early but opted to visit and spend some time with me.

I love surprises and that one really made my day. I could not ask for more.. he’s the best that I’ve got. and I know that everyday will not be ordinary if I’ll spend it with him.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.